Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin na ang pamamahagi ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ngayong kalagitnaan ng Agosto.
Sa interview ng RMN Manila kay DSWD Spokesperson Director III Irene Dumlao, ito ay upang makatulong sa mga benepisyaryo lalo ngayong nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Ayon kay Dumlao, sa ngayon ay nasa mahigit 63.28 billion pesos na ang naibigay sa 9.7 milyong benepisyaryo ng second tranche ng SAP.
Nasa mahigit apat na milyon na lamang aniya ang hindi pa nagpe-payout at tiwala ang DSWD na ma-aabot ang target na 14.1 beneficiaries sa susunod na linggo.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga pulis at militar para sa pamamahagi ng SAP sa mga geographically isolated and disadvantaged areas.