DSWD, target tapusin ang payout ng cash subsidies sa ikaltong linggo ng Pebrero

Target makumpleto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang manual payout para sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) at pamamahagi ng cash subsidies sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2 sa ikatlong linggo ng Pebrero.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang target para sa distribution ng cash subsidies sa ilalim ng napasong Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act ay napag-usapan sa consultation meeting ni Secretary Rolando Bautista kasama ang mga regional directors.

Kasalukuyan silang nagsasagawa ng manual payout para sa natitirang benepisyaryo ng SAP 2.


Ang manual payouts ay isinasagawa sa CALABARZON, National Capital Region (NCR), at Central Luzon sa pamamagitan ng Special Disbursing Officers (SDO).

Para sa second tranche, ang DSWD ay nakapamahagi na ng ₱90.7 billion na halaga ng emergency cash subsidies sa pamamagitan ng manual at digital payouts sa 14.5 million family-beneficiaries.

Sa first tranche naman, nakapag-disburse na ang DSWD ng ₱99.3 billion sa higit 17.6 million na mahihirap na pamilya.

Facebook Comments