Nagbukas ng 1,360 slots ang Department of Social Welfare and Development para sa mga in school youth na gustong makapagtrabaho ngayong summer.
Ang Government Internship Program ay bukas para sa mga High School Graduates at College-Level Students na gustong magkaroon ng hands-on work experience sa ibat ibang sangay ng pamahalaan.
Sa ilalim nito, may alokasyon ang gobyerno na P10,565,400 para sa stipend ng mga matatanggap na aplikante.
Bibigyan ng ibat ibat gawain ang interns sa lob ng 30 araw na magsisimula sa April 15 at magtatapos sa May 29, 2019.
Makatatanggap sila ng 75% ng umiiral na wage rate sa rehiyon na kung saaan sila matatanggap.
Priyoridad ng DSWD ang mga kabataan na kabilang sa lubhang mahihirap na pamilya.
Para sa mga interesado, mag apply lamang sa DSWD Central Office sa Batasan o sa nga DSWD regional field offices .
Ang deadline ng application ay hanggang March 19.