DSWD, tiniyak ang tulong para sa mga Rebel Returnees

*Cauayan City, Isabela*- Tiniyak ni DSWD Undersecretary for Inclusive and Sustainable Peace Rene Glen Paje ang patuloy na pagtulong sa mga dating NPA na naligaw ng landas matapos mahikayat ng matataas na pinuno ng nasabing grupo.

Ayon kay Paje, hindi na malakas ang pwersa ng NPA kung ikukumpara sa dati dahil sa ilang mga dating kaanib ng mga ito ang mas piniling makipagtulungan sa pamahalaan kaysa magpatuloy sa madugong digmaan.

Binigyang diin pa ng opisyal na karamihan sa mga kasamahan ng makakaliwang grupo na matapos magamit at hindi na mapakinabangan ay hinahayaan na lamang at hindi na aalagaan pa kapag ang mga ito ay nagkasakit.


Pabor naman si Undersecretary Paje sa pagsasagawa ng localized peace talks dahil walang mangyayaring kontrolasyon mula sa mataas na lebel ng pamahalaan dahil nakakapagdesisyon sila batay sa kanilang sitwasyon at nasasakupan.

Kaugnay nito, pinuri rin ni Undersecretary Paje ang yaman na taglay ng San Mariano pagdating sa resources, human capital, at potentials.

Hinikayat naman nito ang mga natitira pang kasapi ng NPA na sumuko na lamang sa pamahalaan at matamasa ang tulong na higit na magpapa angat sa buhay ng bawat rebelde.

Facebook Comments