
Mahihirapan umano ang mga kumakandidato para sa midterm elections sa Mayo na ma-access ang mga ipinamamahaging tulong ng ahensiya.
Sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) forum, sinabi ni DSWD Asst Secretary at spokesperson Irene Dumlao na hindi magagamit ng mga pulitiko ang mga ayuda dahil ang mga pay out ay isinasagawa sa DSWD offices at bawal ang mga kandidato na makisawsaw dito.
Kung ang pay out aniya ay gagawin sa labas ng bakuran ng DSWD, may mga field officers naman na nakabantay sa pay out area para maiwasan ang pag-epal ng mga kandidato.
Pinatitiyak din aniya ng DSWD sa pay out areas na dapat walang campaign materials at walang kandidato dito.
Facebook Comments