DSWD, tiniyak na hindi mananahimik sa kaso ni pastor Apollo Quiboloy

Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi mananahimik sa gitna ng mga kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD na maninidigan ito para sa kapakanan ng mga biktima.

Ayon sa ahensya, ang alegasyon ng human trafficking, sexual exploitation, at pang-aabuso sa mga menor de edad ay hindi biro lalo na kung ang gumawa nito ay isang taong dapat ay nagpoprotekta sa mga taong hindi kayang protektahan ang kanilang mga sarili.


Nangako ang DSWD na mabibigyan ng tulong at seguridad ang kapakanan ng mga mahihina.

Nananawagan ang DSWD sa lahat na suportahan ang legal na proseso na magbibigay proteksyon at hustisya ang mga inosenteng biktima ng pang-aabuso.

Facebook Comments