Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabibigyan ng hanapbuhay ang mga residenteng naapektuhan ng nagdaang lindol sa Davao de Oro.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na pinakilos na niya ang mga tauhan nila sa naturang lugar upang magsagawa ng assessment sa mga biktima ng lindol.
Dito naman ibabatay ang gagawing pagtulong ng DSWD sa nabiktima ng naturang kalamidad.
Batay sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal sa Davao de Oro, hindi pagkain, hindi kagamitan kundi livelihood programs ang kailangan ng mga taong sinalanta ng lindol sa lugar.
Ayon kay Gatchalian, patuloy na inaalam ng DSWD kung anung uri ng livelihood programs ang ipagkakaloob sa mga sinalanta ng lindol sa Davao de Oro.
Sa naturang lindol, may mahigit P21 milyon ang napinsalang ari-arian at pasilidad sa Davao de Oro.