DSWD, tiniyak na mabibigyan ng SAP 2 cash aid ang natitirang 1.3 million beneficiaries

Target tapusin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng emergency cash subsidy sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa natitirang 1.3 million beneficiaries.

Batay sa SAP monitoring data, aabot na sa 12,757,732 SAP 2 beneficiaries ang kanilang naabutan ng ayuda.

Katumbas nito ang 90.4% ng kabuuang target na 14.1 million recipients.


Aabot na sa ₱76.2 bilyon na halaga ng emergency cash subsidies ang ipinamahagi na sa mga benepisyaryo sa 11 lugar na sakop ng SAP 2.

Pagtitiyak ng DSWD na patuloy ang pamamahagi ng cash subsidy sa mga benepisyaryo kabilang ang mga nasa “waitlisted” o karagdagang pamilya.

Nabatid na nabigo ang ahensya na makumpleto ang SAP 2 distribution noong August 15, 2020.

Facebook Comments