DSWD, tiniyak na maibibigay ang lahat ng tulong pinansyal bago matapos ang Abril

Konting pasensya pa.

Ito ang apela ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) sa mga hindi pa nabibigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Paje na bago matapos ang bwan ng Abril ay paniguradong naipamahagi na nila ang lahat ng pondo para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.


Sa ngayon ayon kay Paje nasa P25.4B na pondo na ang kanilang nalabas para sa 5.3M benepisyaryo ng SAP.

Habang umaabot naman sa 9.1B na pondo ang naipamahagi na nila para sa mga non 4Ps at P16.3B para sa mga 4Ps beneficiaries

Naayudahan narin aniya ng DSWD ang mga tsuper na nawalan ng trabaho dahil sa umiiral na ECQ at kabuuang P323M na ang naibigay na pondo para sa mga driver sa NCR.

Facebook Comments