DSWD, tiniyak na mananagot sa batas ang mga opisyal ng barangay na mangungupit sa mga cash assistance

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na mananagot sa batas ang mga barangay official na mangungupit sa mga ayudang pinansyal na ipinagkakaloob sa kanilang mga residente.

Kasunod na rin ito sa nabistong pagbabawas ng Php8,500 mula sa Php10,000 cash aid na tinanggap ng isang buntis na beneficiary nitong nakaraang June 6.

Binigyang diin ni Gatchalian na magsilbing babala ang kaso sa Davao Region.


Aniya, ang cash grants ay matatanggap lamang ng benepisyaryo.

Wala umanong karapatan ang sinuman, kahit pa government officials na makihati rito.

Sabi pa ng kalihim, hindi lamang pag-assist ang gagawin ng DSWD Field Officer, tatayo rin ang mga ito bilang co-complainant sa paghahain ng reklamo.

Nananawagan ang kalihim sa lahat ng mga benepisyaryo ng mga cash assistance na huwag hayaan ang iba na silang kukuha o magbibigay sa kanila ng kanilang mga cash grant .

Facebook Comments