DSWD, tiniyak na matatapos ang payout sa mga mahihirap at indigent seniors bago matapos ang taon

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na ginagamit na nila ang lahat ng paraan para matiyak na ang lahat ng payouts kabilang ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy at emergency subsidies sa non-SAP recipients ay matatapos bago magpalit ng taon.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nananatili silang committed sa pamamahagi ng lahat ng subsidies alinsunod sa napasong Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act at Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as One Act at social pension para sa mga indigent seniors.

Pinayuhan ni Dumlao ang mga kwalipikadong benepisyaryong hindi pa natatanggap ang kanilang financial subsidy na hintayin lamang ito dahil may mga impormasyon lamang na kailangang iproseso.


Batay sa huling SAP monitoring data, higit 85.3 million pesos na halaga ng SAP ang naipamahagi na sa higit 14.3 million family-beneficiaries.

Nasa 64,839 low-income families ang natulungan ng Emergency Subsidy Program (ESP) sa ilalim ng Bayanihan 2 kung saan higit 435 million pesos ang halaga ng subsidies ang naipamahagi.

Facebook Comments