DSWD, tiniyak na may disaster relief response fund para sa Bagyong Bising

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon silang pondo para alalayan ang Local Government Units (LGUs) na maaapektuhan ng Bagyong Bising.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang kanilang field offices ay mayroong standby funds at relief supplies.

Mayroon ding naka-prepositioned na relief good na binubuo ng food at non-food items.


Ang disaster relief funds ay nakalaan sa 2021 national budget.

“Ang DSWD ay handa na tumugon sa mga pangangailangan ng mga local government unit para ma-augment ang kanilang resources especially in addressing the needs of their constituents lalong-lalo na nga po sa panahon ng bagyo or other disasters,” sabi ni Dumlao sa isang radio interview.

“Ang atin pong mga field offices mayroong standby funds and prepositioned goods. Other field offices that will not be affected and Central Office ay mayroong standby funds na puwede makadagdag dun po sa resources ng ating field offices,” dagdag pa ni Dumlao.

Una nang sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na mayroong ₱581.43 million na standby funds at stockpiles.

Facebook Comments