DSWD, tiniyak na may sapat na pondo para tulungan ang mga biktima ng Bagyong Ulysses

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na pondo para tulungan ang mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses.

Ito ay matapos makatanggap ang kagawaran ng karagdagang ₱600 million para sa kanilang Quick Response Fund (QRF).

Ayon sa DSWD, mayroon na silang ₱1.4 billion na halaga ng stockpiles at standby funds para sa disaster operations.


Binubuo ito ng 275,591 family food packs (FFPs) na nagkakahalaga ng ₱123 million, iba pang food items na nasa ₱187 million at non-food items na may ₱275 million.

Ang kabuuang halaga ng QRF ay umabot na sa higit ₱888 million na handang ilabas para suportahan ang assistance sa mga nasalanta ng kalamidad.

Tiniyak ng DSWD na patuloy silang magbibigay ng relief support sa mga Local Government Unit (LGU) na matinding naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments