DSWD, tiniyak na may sapat na pondo para tulungan ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Dante

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na pondo para makapagbigay ng relief assistance sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Dante.

Ayon sa DSWD, handa silang magbigay ng augmentation support sa mga lokalidad na tinamaan ng bagyo.

Mayroon silang total standby resources na nagkakahalaga ng ₱1.105 billion, kung saan ₱225 million ang inilaan bilang standby funds.


Nagpapatupad din sila ng Twinning and Reinforcement Systems.

Ang mga displaced families o individuals ay pansamantalang nanunuluyan sa walong evacuation centers sa ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.

Facebook Comments