Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na pondo at relief goods sa mga lugar na maapektuhan ng El Niño.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, may sapat na imbentaryo ang kagawaran para sa food packs at mga nonfood items sa buong bansa.
Ito’y matapos na pulungin ng kalihim ang regional directors at field offices ng ahensya upang matiyak na sapat ang suplay ng relief goods.
Nakatutok na rin ang Social Welfare and Development o SWAD Teams sa buong bansa at nakikipag-ugnayan na sa mga LGU.
Sa kasalukuyan ay mayroong P1.35-B stockpiles at standby funds ang DSWD.
Facebook Comments