Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na makukumpleto ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ngayong buwan.
Nabatid na sinimulan na ng kagawaran ang second phase ng SAP nitong Huwebes, June 11.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, makakatanggap na ng cash aid ang mga nasa “wait-listed” beneficiaries simula ngayong linggo.
Paglilinaw ni Dumlao, ang mga “wait-listed” at “left-out” beneficiaries ay makakatanggap ng first at second tranche.
Nasa 3.5 million “wait-listed” beneficiaries ang makakatanggap ng first at second wave ng cash aid.
Ang nasa limang milyong “wait-listed” beneficiaries na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa programa ay makakatanggap ng unang tranche.
Sinabi rin ni Dumlao na higit ₱6.7 billion na halaga ng SAP subsidies ang naipamahagi sa 1.3 million na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na cash card holders.
Ang masterlist na isinumite ng Local Government Units (LGU) ay masusing hinihimay at bineberipika para matiyak na ang mga kwalipikadong benepisyaryo ang mabibigyan ng cash assistance.