DSWD, tiniyak na tuloy-tuloy ang pagkakaloob ng livelihood assistance sa mga manggagawa sa tourism sector

Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy itong magkakaloob ng livelihood assistance sa mga informal sector workers sa tourism industry na naapektuhan ng COVID-19 crisis.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Specialized Programs Rhea Peñaflor, patuloy na makakatanggap ng livelihood assistance grants ang mga kuwalipikadong pamilya sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program.

Aabot sa 2,803 na pamilya sa Bohol ang nabigyan ng mahigit tig-₱17,000 livelihood assistance.


Bumisita sa Bohol si Peñaflor para mag-validate at mag-inspection sa preperasyon ng tourism industry sa pag-transition sa new normal.

Bahagi ito ng layunin ng gobyerno na muling pasiglahin ang turismo sa bansa na siyang sandigan ng ekonomiya.

Facebook Comments