DSWD, tiniyak na tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tuloy-tuloy na paghahatid   ng malinis na tubig, hygiene kits, at iba pang relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nakipagtutulungan sila sa mga lokal na water utility para sa suplay ng malinis na tubig at patuloy ang paghahatid ng bottled water sa mga evacuation center.

Sa ngayon, umabot na sa Php2.4 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng DSWD sa mga apektadong residente ng Negros Occidental at Negros Oriental.


Dagdag pa ni Asst. Sec. Dumlao, nakahanda rin ang DSWD na magbigay ng pinansyal na tulong sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer Program para sa iba pang pangangailangan ng mga evacuee.

Patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis at maayos na paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.

Facebook Comments