DSWD, tuloy-tuloy ang paghahatid ng relief assistance sa mga naapektuhan ng Bagyong Rolly

Nakapagpamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na P164,000 na halaga ng relief assistance sa mga apektado ng Bagyong Rolly sa Albay.

Dadalhin na rin ng DSWD ang 3,500 family food packs sa probinsya ng Catanduanes at Camarines sa pakikipagtulungan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Logistics Cluster.

Maghahatid din ang ahensya ng 500 modular tents para sa mga internally-displaced persons sa Bicol Region.


Ang National Resource Operations Center, ang main disaster hub ng DSWD ay nagpadala na ng dagdag na 31,500-kilogram na suplay ng bigas sa CALABARZON.

Sa ngayon ay may stockpiles ng relief assistance at standby funds ang DSWD na nagkakahalaga ng mahigit P842 milyon.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga kaukulang Local Government Unit (LGU) para alamin kung may dagdag na pangangailangan ang kanilang mga residente na apektado ng bagyo.

Facebook Comments