Tuloy-tuloy pa rin ang pagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng emergency subsidy sa mga naapektuhan ng community quarantine measures.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, umabot na sa P931 million ang naipalabas ng ahensya sa ilalim ng Bayanihan 2 Emergency Subsidy Program.
Ang emergency subsidy ay one-time cash grant na nagkakahalaga ng mula P5,000 hanggang P8,000.
Kinabibilangan ito ng mga low-income family beneficiaries na residente sa mga lugar na inilagay sa granular lockdown simula noong September 14.
Nakatanggap na ng naturang emergency subsidy ang abot sa 142,058 beneficiaries.
Mula sa naturang bilang, 11,480 ay mula sa mga lugar na inilagay sa granular lockdown habang 130,578 ay mga additional beneficiaries.