DSWD, tuloy-tuloy na maghahatid ng relief at livelihood support sa mga residente sa NCR+ areas

Matapos magsulputan ang community pantries, palalakasin naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief at livelihood assistance nito sa mga residente sa NCR+ areas.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, tuloy-tuloy ang gagawin nilang paghahatid ng mga assistance, at mga regular programs nito sa mga residente na apektado ng socio-economic impacts ng COVID-19 pandemic.

Maliban sa food provisions, tuloy-tuloy rin ang implementasyon ng DSWD ng iba pang regular social welfare services.


Kabilang dito ang assistance to individuals in crisis situation, pamamahagi ng medical, educational, burial at transportation assistance sa mga pamilya at indibidwal na nahaharap sa krisis.

Facebook Comments