DSWD, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaabot ng ayuda sa CARAGA region na binaha noon ng Bagyong Vicky

Tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng ayuda at serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang binaha noon ng Tropical Depression Vicky sa ilang lugar sa CARAGA Region.

Pinangunahan ni DSWD Usec. for Operations Group Aimee Torrefranca-Neri ang pamamahagi ng P3,000 tulong pinansiyal sa mga pamilya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Partikular na pinamahagian ng tulong ang mga pamilya sa San Miguel at Barobo sa Surigao del Sur.


Pagtiyak pa ni Neri na makakatanggap ng ayuda ang lahat ng pamilya lalo na ang mga nasiraan at nawalan ng mga bahay dahil sa matinding pagbaha.

Sa mga lugar na hindi pa naabutan ng tulong, ipinababatid ng DSWD na makipag-ugnayan lamang sa kanilang lokal na pamahalaan.

May ugnayan umano ang ahensiya at Local Government Unit upang matukoy ang mga apektadong indibidwal, pamilya at mga komunidad na karapat-dapat pagkalooban ng tulong at serbisyo.

Facebook Comments