DSWD, tuloy-tuloy sa pamamahagi ng ayuda sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Vicky

Kasunod nang pananalasa ng Bagyong Vicky sa ilang bahagi ng bansa tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy-tuloy ang pamamahagi nila ng ayuda sa mga apektado nating mga kababayan partikular sa Visayas at Mindanao.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje na puspusan ang pamamahagi nila ng hot meals, food packs at non-food items sa mga apektadong residente.

Sa ngayon, kanila aniyang tinututukan ang Lapu-Lapu City, Caraga maging ang Surigao na lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo.


Sa pinakahuling tala ng DSWD nasa 8,000 pamilya o katumbas ng 36,000 indibidwal mula sa 149 na mga barangay sa Regions 7, 8 , 11 at Caraga ang naapektuhan ng Bagyong Vicky.

Facebook Comments