DSWD, umapela sa mga residenteng naapektuhan ng mga lindol sa Mindanao na sa Evacuation Centers humingi ng ayuda

Hinimok ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasalanta ng lindol sa Mindanao na magtungo sa Evacuation Center upang makatanggap ng relief goods.

Ito’y sa gitna ng mga ulat na humihingi ng tulong tulad ng pagkain at tubig ang mga apektadong residente sa mga dumaraang motorista.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, patuloy ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga biktima ng dalawang malakas na lindol.


Sa ilalim ng sistema ng mga lokal na pamahalaan, ang mga residente ay kailangang magparehistro sa Evacuation Center upang mabigyan ng relief goods.

Nakapagbigay na rin ang DSWD ng food at non-food items sa 188,000 individuals sa 238 Barangay sa Regions 11 at 12.

Facebook Comments