DSWD, umapela sa publiko na isuplong ang mga insidente ng pangungupit sa mga ayuda ng pamahalaan

Umapela ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa publiko na isuplong sa kanila ang mga insidente ng pangangaltas sa mga ayudang ipinamamahagi ng pamahalaan.

Ito’y kasunod ng umano’y pagkaltas ng ilang opisyal ng barangay sa ayuda ng isang buntis sa Davao del Sur, kung saan binawasan ang ₱10,000 ayuda nito at binigyan na lamang siya ng ₱1,500.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, ang ganitong klaseng gawain ani Dumlao ay paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isang kasong kriminal.


Agad aniyang aaksiyunan ng DSWD ang anumang reklamong ihahain sa kanila kabilang na ang ginagawang pangungupit sa mga ayuda.

Facebook Comments