Nananawagan ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga volunteers na maaaring tumulong sa pag-repack ng mga Family Food Packs o FFPs para sa mabilis na pamamahagi nito sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Carina na sinampahan pa ng Habagat.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group at Spokesperson Irene Dumlao sa mga interesado na mag-volunteer maaari silang makipag-ugnayan kay Ms. Shara Leeng DSWD-National Resource Operations Center o NROC at tawagan ang numerong 09260612646 at maaari ring mag-email sa msllee@dswd.gov.ph para sa scheduling.
Ang DSWD Repacking Center ay nasa NROC warehouse sa Chapel Road, Barangay 195, Pasay City.
Pinaalalahanan din ni Dumlao na lahat ng nagnanais na maging volunteer ay mangyaring magsuot lamang ng kumportableng damit, sapatos at magdala ng water bottle container at baong pagkain.