Pasig City – Pinag-aaralan nina DSWD Undersecretary Malou Turalbe at Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na sampahan ng mga kasong administratibong ang mga opisyal ng Pasig Social Welfare na hinadlangan sila na magsagawa ng spot check sa mga menor de edad na pinagdadampot matapos ang dispersal sa Floodway sa Barangay Sta. Lucia, Pasig.
Sinabi nina Turalde at Brosas na babalikan muli nila ang Bahay Aruga para maasistehan ang mga magulang na hindi makalapit sa kanilang mga anak.
Balak din ni Brosas ang paghahain ng resolusyon sa Kongreso para imbestigahan ang marahas na dispersal at pamamaraan ng panghuhuli kahit pa tapos na ang protesta at dispersal at kahit pa walang warrant of arrest.
Facebook Comments