Sa budget hearing ng Kamara ay nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na walang magiging savings o pagtitipid sa planong pagtanggal sa 1.3 milyon na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Paliwanag ni Tulfo, ito ay dahil may papasok muli na mga bagong benepisaryo kapalit ng mga aalising 4Ps beneficiaries.
Ayon kay Tulfo, sa ngayon ay 187,613 na ang bilang ng mga inalis sa listahan ng 4Ps at ang pagtanggal sa iba ay bina-validate at nasa proseso pa.
Paliwanag ni Tulfo, kabilang sa mga batayan ng pag-alis sa benepisaryo ng 4Ps ang pagtungtong ng bunsong anak sa 19 taong gulang at pagtatapos sa sekondarya, hindi na sila nabibilang sa pinakamahirap sa bansa, boluntaryong pag-alis sa programa at paggawa ng mga paglabag.
Diin ni Tulfo, may iba pang programa ang DSWD na maaring i-avail ng mga aalisin sa 4Ps tulad ng sustainable livelihood program at assistance for individual in crisis program.