Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na aalamin nila kung sino ang nagpasok at gumawa ng laruang nauuso ngayon na tinawag na lato-lato.
Kung matatandaan, una nang nakipag-ugnayan ang ahensiya sa Food and Drug Administration (FDA) kung may inilabas nga bang certificate of product registration ang nasabing laruan.
Hindi dapat umano kasi inilalabas sa merkado ang mga gantong uri ng paninda na hindi sertipikado at hindi approved ng FDA lalo na’t walang garantiya kung ligtas itong gamitin.
Samantala, patuloy naman ang ginagawa pagkalap ng impormasyon ng ahensiya upang tuluyan ng masugpo ang mga hindi awtorisadong laruan na lato-lato.
Facebook Comments