Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na hindi nila ganap na makokontrol ang presyo sa ibang produktong pang-noche buena ngayong holiday season.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, may noche buena items kasi na hindi sakop ng SRP o suggested retail price.
Gayunman, tiniyak aniya sa kanya ng stakeholders tulad ng manufacturers, importers at supermarket owners na sapat ang suplay ng mga panghanda sa Pasko at Bagong Taon.
Pero nilinaw ng DTI na hindi kasama sa basic necessities at prime commodities ang mga ito kaya price guide lamang ang inilabas nila.
Layon nito na magkaroon ng gabay ang publiko sa pamimili tulad ng ham kung saan ang presyo ay depende sa kalidad nito.
Facebook Comments