
Nagtungo sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture (DA) kasama ang lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ito’y para magsagawa ng price monitoring at mainspeksyon na rin ang naturang palengke.
Mismong sina DTI Sec. Cristina Roque at DA Asec. Genevieve Guevarra ang nanguna sa monitoring kasama si Manila City Admin. Atty. Wardee Quintos XIV ang nag-ikot saka kinausap ang ilang mga may-ari ng pwesto.
Halos walang pagbabago sa mga presyo ng isda at karne pero tumaas ang ilang presyo ng gulay.
Isa na rito ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo na umaabot na sa P500 ang kilo habang ang siling green o haba ay umaabot sa P280.00.
Ayon kay DTI Sec. Roque, normal na tumataas ang presyo ng ilang mga agricultural products kapag nagdaan na ang bagyo o malalakas na pag-ulan.
Magkaganon pa man, babantayan ng DTI at DA katuwang ang Manila LGU ang presyuhan ng mga ibinebentang mga gulay upang hindi na ito tumaas pa at walang mananamantala.









