Nag-inspeksiyon ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilang mall sa Metro Manila at nilagyan ng safety seal ang mga establisimyentong susunod sa health standards.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, ang safety seal ay indikasyon na pasado ang ilang mall lugar sa public health standards.
Aniya, ang mga negosyong limitado ang kapasidad ay papayagang magdagdag kung papasa sa “safety seal program” na may requirements na maayos na crowd control, ventilation, at digital contact tracing.
Pero babala ni DILG Usec. Jonathan Malaya, hindi pa rin puwedeng magpakampante ang mga nakatanggap ng safety seal.
Dahil dito, ilang mall na ang kusang humiling ng inspeksyon sa pamahalaan kabilang ang Ayala Malls at Robinson’s Malls.
Una nang nabigyan ng safety seal ang Vista Mall, Star Malls at SM Megamall.