DTI at FDA, inikot ang Divisoria para malaman ang presyo ng mga school supplies

Nag-ikot at inispeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang pwesto sa Divisoria sa lungsod ng Maynila.

Ito’y para malaman ang kasalukuyang pwesto ng mga school supplies ilang araw bago ang pagsisimula ng pasukan.

Pinangunahan mismo ni DTI Sec. Alfredo Pascual ang pag-iinspeksyon kasama ang ilang tauhan ng Food and Drug Administration (FDA).


Isa-isang sinuri at tinanong ni Sec. Pascual ang mga may-ari ng pwesto ng mga school supplies upang maikumpara ito sa bawat isa.

Maging ang mga uniporme at iba pang gamit ay sinuri rin ng DTI at FDA kung saan ang presyo ng pambatang uniporme ay papalo mula ₱200.00 hanggang ₱250.00 habang, ₱250.00 hanggang ₱280.00 sa mga teenager.

Nabatid na makakabili naman ng mga notebook dito sa halagang ₱220.00, ₱250.00 at ₱270.00 kada sampung piraso kung saan iginiit ni Sec. Pascual na mas mababa ang preso dito sa Divisoria kung ikukumpara sa mga malls.

Facebook Comments