Pinapayagan na ang pagsasagawa ng Technical Vocational Education at Training (TVET) qualification trainings at assessments sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.
Ito ay matapos maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Vocation Skills and Development Authority (TESDA) ng Joint Memorandum Circular (JMC) No. 20-06 na layong matulungan ang mga Pilipinong manggagawa sa reskill at upskill at matugunan ang malawakang layoffs bunga ng pagsasara ng mga negosyo dahil sa pandemya.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nangangailangan ng karagdagang skilled workers na sertipikado ng TESDA.
Nais nilang makapag-alok ng mas maraming training opportunities sa mga kababayang nawalan ng trabaho, lalo na sa mga repatriated OFWs.
Nabatid na nasa 17.7% ang unemployment rate o 7.3 million Filipinos mula nitong Abril pero bumaba ito sa 8.7% o 3.8 million na manggagawa noong Oktubre.