DTI, binalaan ang publiko kasabay ng one day big sale ng ilang malalaking online shopping platforms bukas

Nagbabala sa publiko ang Department of Trade and Industry (DTI) kasabay ng pagkakaroon ng one day big sale ng ilang malalaking online shopping platforms bukas (November 11).

Sa interview ng RMN Manila kay DTI Usec. Ruth Castelo, sinabi nito na talamak ang mga sellers na ina-agrabyado ang mga customer kung saan ilang halimbawa na ang; pagbibigay ng maling order, sira at hindi tama ang presyo.

Habang tiniyak din nito na mabibigyang proteksyon ang mga consumers sakaling maranasan nila ang mga panlolokong ito pero sa ilan lamang pagkakataon.


Nabatid na una nang umabot sa halos 15,000 ang natanggap na reklamo ng DTI mula sa mga customer ng online selling platforms, na mataas kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala lamang ng 2,457 na reklamo.

Facebook Comments