Bukas ang Department of Trade and Industry (DTI) na ipagpaliban ang pagbubukas ng mga sinehan sa susunod na dalawang linggo.
Ito ay kasunod ng apela ng Metro Manila Council na irekonsidera ang pagbubukas ng mga sinehan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) simula ngayong araw, February 15.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, naiintindihan nila ang hinaing ng mga alkalde dahil nag-iingat lamang sila at binabantayan ang status ng COVID-19 cases.
Pero sinabi ni Lopez na ang pagpapahintulot sa mga sinehan na magbukas ay magpapalakas ng ekonomiya.
Aabot sa 300,000 trabaho ang mabubuhay para pinayagan ang industriya.
Ang mga sinehan sa GCQ areas ay nasa 50% capacity habang 75% capacity naman sa Modified GCQ areas.
Ang pagbubukas ng traditional cinemas ay alinsunod sa guidelines na ilalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).