DTI chief, suportado ang pagpapalawig ng SIM registration

Suportado ni Department of Trade and Industry (DTI) Alfredo Pascual ang panawagan ng mga telecommunications companies na palawigin ang mandatory SIM card registration.

Sinabi nito na mahalaga ang pagpapalawig ng SIM registration para mas dumami pa ang bilang ng mga magpaparehistro.

Malaki aniya ang epekto nito sa ekonomiya kapag hindi nakapagrehistro ang marami dahil sa maapektuhan ang mga gumagamit ng online payments.


Kasama rin aniya ang DTI para sa panghihikayat sa mga mamamayan na magparehistro ng kanilang SIM cards.

Facebook Comments