Kasama ng DTI- Cotabato City ang Metro Cotabato Consumer Association, Inc. sa pagmo-monitor sa mga presyo ng basic and prime commodities sa Cotabato City na nagsimula noon pang unang linggo ng Enero 2018.
Ang price monitoring ay pinangungunahan nina DTI-Officer-in-Charge Carlito Nunez at consumer organization president Ms. Khanisan Sema.
Ang naturang hakbang ay kaugnay TRAIN law.
Ang team ay bumibisita sa stalls sa Super Mega Market at grocery stores upang makita at malaman ang tunay na sitwasyon sa usapin ng mga presyo at suplay ng commodities tulad ng bigas, karne, isda pati na ng basic goods at iba pang pangunahing bilihin.
Sa kanilang monitoring, napag-alaman na nananatiling stable ang mga presyo sa lungsod.
Wala umanong major changes sa presyo ng basic necessities, ang suplay ng goods sa syudad ay nananatiling sapat at walang insidente ng shortage.
Sa kabila ng mga ito, pinaalalahanan ni Nunez ang market vendors at business owners na maging maingat sa umiiral na SRPs ng mga produkto, iwasan ang overpricing at hoarding.
Nagbabala rin si Nunez sa mga ito na ang mahuhuli at mapapatunayang lumalabag sa SRPs ay pagmumultahin ng mula P 150,000 – P 1 Million sa ilalim ng RA 7581 o Price Act.(photo credit:dticotabatocity)
DTI- Cotabato City, mas pinaigting ang price monitoring sa mga pangunahing bilihin!
Facebook Comments