DTI, dapat na magkaroon ng mas maraming pondo para maisakatuparan ang Philippine Export Development Plan

Kumbinsido ang Philippine Exporters Confederation Inc. (PECI), na maganda ang layunin ng Philippine Export Development Plan.

Ngunit ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., na siyang ring pangulo ng PECI, dapat mamuhunan ang Pilipinas sa industriya ng kalakalan upang maisakatuparan ang plano.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Ortiz-Luis na dapat buhusan ng pondo ang Department of Trade and Industry (DTI) para mapalakas ang export industry dahil ang ahensya ang responsable sa pagtutulak nito.


Inihalimbawa nito na paunti na ng paunti ang foreign posting ng Pilipinas, maraming exhibition sa abroad at maging dito sa bansa na hindi sinasalihan dahil walang pondo.

Aniya, minsan sumasali ang bansa pero kulang sa budget kaya nagmumukha lang kawawa.

Ayon sa opisyal maraming produkto ang Pilipinas na dapat i-develop lalo sa mga agri-based na kayang makipagsabayan sa global market.

Facebook Comments