DTI, DOLE AT DOH, mas dadalasan pa ang pag-inspeksyon sa mga opisina para matiyak na nasusunod ang health protocols

Mas paiigtingin pa ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabantay sa mga workplace o opisina.

Sa interview ng RMN Manila, ipaliwanag ni Trade Secretary Ramon Lopez na kadalasan kasing pinagmumulan ng pagkahawa ng COVID-19 sa mga opisina ang hindi pagsunod sa protocols lalo na kapag kumakain nSang magkakasabay.

Kahapon aniya ay naglabas na sila ng advisory kasama ng DOLE para mas maghigpit at dalasan ang pagbisita sa mga opisina para matiyak na nasusunod ang health protocols.


Ayon pa kay Lopez, bukod sa DOLE, katuwang din nila dito ang Department of Health (DOH) at bawat Local Government Unit (LGU) na nakakasakop sa isang opisina.

Facebook Comments