Handa na ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa gaganaping Cashless Expo 2023 ngayong November 17 hanggang November 19 sa World Trade Center (WTC) sa Pasay City.
Layon ng naturang Cashless Expo 2023 na pataasin ang paggamit ng digital payment at hikayatin ang mga mamimili na gumamit ng cashless na pambayad sa buong bansa.
Ayon kay Trade Sec. Pascual, mahalaga ang misyon ng kagawaran na isulong ang mga benipisyo sa paggamit ng digital payment partikular sa mga micro, small and medium enterprises.
Kasunod ito pormal na pinirmahan ng DTI ang Memorandum Of Agreement at e-commerce division kasama na rin ang Pilipinas Movement Incorporated.
Samantala, binigyang diin din ng ahensya na ang cashless transaction ay magpapaunlad para hikayatin ang mga Micro-, Small, and Medium-sized (MSMEs) na maging globaly competitive gamit ang digital payment sa lahat ng industriya.