DTI, hindi pa magpapatupad ng price freeze sa kabila ng Ukraine-Russia crisis

Hindi pa nakikita ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa kabila ng sunod-sunod na oil price hike bunsod ng Ukraine-Russia cisis.

Kasunod ito na babala ng mga analyst hinggil sa epekto ng krisis na ito sa mga pangunahing produkto.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Ann Cabochan, may mga mekanismo sa Price Act para dito, kabilang na ang pagdedeklara ng state of emergency declaration.


“As of this time, at sinabi na ito ni DTI Secretary Lopez sa isang interview sa kaniya recently, na hindi pa natin nakikita ang circumstances that would give rise to a declaration of a state of emergency. But patuloy po natin iyang mino-monitor kung magkakaroon po ng circumstances that would prod such declaration.” ani Cabochan

Paliwanag ni Cabochan, ang presyo lamang ng mga basic commodity ang nililimitahan sa panahon ng price freeze at hindi apektado ang halaga ng prime commodities.

Kabilang sa mga prime goods ay ang harina, canned goods, plywood, mga gamot na hindi itinuturing essential ng health department, fertilizers, sibuyas, bawang at iba pa.

Facebook Comments