DTI, hindi pa naglalabas ng price guide para sa Noche Buena products

Wala pang inilalabas na price guide ang Department of Trade and Industry (DTI) pagdating sa mga Noche Buena products dalawang buwan bago ang Kapaskuhan.

Ayon kay acting Trade Secretary Cristina Roque, sa ngayon kasi ay pinag-aaralan pa ang hiling ng mga manufacturer na magpatupad ng price adjustments.

Posible raw na sa Nobyembre ilabas ang price guide dahil tatalakayin pa ito ng Fairtrade Consumer Protection Group ng DTI.


Naninindigan din ang DTI na gagawin nila ang lahat upang maharang muna ang price increase sa mga nasabing produkto.

Noong nakaraang taon, nasa sampung porsyento ang itinaas ng ilang produktong pang-Noche Buena na epekto ng pagmahal ng gastusin ng manufacturers.

Facebook Comments