DTI, hinikayat ang MSMEs entrepreneurs na gumamit ng digital transformation

Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na gumamit ng digital transformation lalo ngayong may COVID-19 pandemic.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang pag-adopt sa digitalization ay makakatulong sa pagbangon ng mga negosyo mula sa epekto ng pandemya.

Kabilang dito ang financial, marketing, content management, basics of e-commerce at online business.


Ini-halimbawa rin ni Lopez ang mga restaurant at hotels na umaayon sa QR (quick response) code pati na rin ang paggamit ng smartphone applications sa pag-order ng pagkain o sa pagpapa-deliver.

Facebook Comments