DTI, hinikayat ang publiko iwasan muna ang “staycation” sa NCR+

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na iwasan muna ang “staycations” sa loob ng dalawang linggong general community quarantine (GCQ) bubble sa NCR-plus.

Ito ay kahit technically na pinapayagan ito sa ilalim ng mga patakaran.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, mas makabubuti na manatili na lamang sa loob ng bahay sa nalalapit na Holy Week sa halip na magrenta ng hotel room.


Pero nasa publiko na aniya kung susundin nila ang kanilang payo.

Iginiit ni Castelo na seryoso ang surge ng COVID-19 cases.

Muli ring sinabi ni Castelo na ang operasyon ng driving schools, amusement at recreation industries, game arcades, libraries, archives at museums, cultural centers, at cockpit operations ay suspendido.

Nasa 30-percent capacity lamang ang papayagan sa essential business gatherings habang pinapayagan ang outdoor o alfresco dining.

Nasa 50-percent capacity naman ang pinapayagan sa personal care services tulad ng salon at barbershops.

Facebook Comments