DTI, hinikayat ang publiko na i-report sa kanila ang mga retailer na hindi susunod sa price guide sa Noche Buena products

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila kung mayroong mga retailer ang hindi sumusunod sa inilabas nilang Noche Buena products guide.

Sa harap ito ng pag-amin ng DTI na hindi naman nila pwedeng i-sanction ang sinumang retailer na lalabag sa price guide.

Paliwanag ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na ang tanging magagawa lamang nila ay i-report ito sa manufacturers.


Sila ang mag-uusap para alamin kung bakit hindi sumunod sa price guide ang mga ito.

Nangako kasi ang manufacturers sa DTI na hindi sobrang magtataas ng presyo sa kanilang mga produkto.

Sa ngayon, ayon kay Amanda na lahat ng Noche Buena products ay tumaas ang presyo, ngunit 1 to 5% lamang ang itinaas kumpara sa 11% noong isang taon.

Ilan dito ang ₱25 pagtaas sa hamon, ₱10 sa spaghetti sauce, ₱49 sa cheese, ₱33 sa keso de bola, higit ₱13 sa salad macaroni, ₱30 sa mayonnaise at iba pa.

May 21 mga produkto naman ang bumaba ang presyo.

Facebook Comments