DTI, HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA MAGTIPID SA PAGGAMIT NG KURYENTE NGAYONG MAINIT NA PANAHON

Hinihikayat ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang publiko na obserbahan ang mga hakbang at paraan sa pagtitipid ng enerhiya o kuryente upang makatulong sa pagbawas sa mga epekto ng paggamit ng mataas na enerhiya sa global warming.
Sinabi ni Natalia Dalaten, provincial director ng DTI-Pangasinan, na ang mga mamimili at may-ari ng negosyo sa lalawigan ay pinayuhan na gumawa ng mga aksyon na makakabawas sa pagkonsumo ng enerhiya at makatutulong sa pagsulong ng renewable energy para sa isang sustainable at inclusive energy system.
Ayon pa sa kanya, na ang mga mamimili at negosyante ay mayroong mahalagang papel sa pagpapabilis ng paglipat sa malinis na enerhiya sa pamamagitan ng paggawa ng matalinong mga pagpipilian at paggawa ng mga aksyon na nakakabawas sa pagkonsumo ng enerhiya.

Ilan lamang sa mga tips na mula sa ahensya upang makatipid sa kuryente ay pumili at gumamit lamang ng mga appliances na sumusunod sa mga pamantayan sa kahusayan ng enerhiya, lahat ng de-koryenteng kasangkapan kabilang ang mga ilaw ay dapat palaging naka-unplug at nakapatay kapag hindi ginagamit, linisan ang mga bombilya at fluorescent, gumamit ng insulasyon para makatipid sa at marami pang iba.
Ayon pa sa kanya na kung magtutulong-tulong ay magkakaroon ng solusyon upang makabawas sa kuryente.
Samantala, maaaring bisitahin ang DTI-Pangasinan Provincial Office na matatagpuan sa 2nd floor ng Star Building sa Arellano St. Dagupan City o tumawag sa numero ng telepono (075) 636-3975 o magpadala ng email sa R01pangasinan@dti.gov.ph para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon sa mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya at iba pa. |ifmnews
Facebook Comments