Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa.
Sa Laging Handa Press Briefing sa Malakanyang, sinabi ni Lopez na hindi sertipikado ang mga online resellers.
Posible, aniyang, peke ang kanilang mga tinda kaya wala rin itong bisa o hindi epektibong panlaban sa COVID-19.
Kasunod nito, sinabi ni Lopez na nagsimula na silang magpunta sa warehouse ng mga manufacturers ng mask at iba pang sanitary products kung saan kapag napatunayan na sila’y nagtatago ng kanilang produkto ay maaari silang mapanagot sa batas.
Hahabulin din, aniya, nila ang mga hoarders at profiteers.
Samantala, umaapela ang gobyerno sa publiko na huwag magpanic buying dahil hindi kasama sa paghihigpit na pumasok sa Metro Manila ang mga cargoes kaya’t tuloy ang supply.
Ang panic buying, aniya, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ngayon ng artificial shortage.