DTI, humiling ng exemption sa spending ban

Humihiling ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Commission on Elections (COMELEC) ng exemption sa spending ban upang maipamahagi ng ahensya ang livelihood kits sa buong bansa para sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nais ng DTI na ipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Visayas gayundin sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas.

Aniya, nasa 300 hanggang 400 na livelihood kits ang ipamamahagi ng DTI sa bawat probinsya kada buwan bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Dagdag pa ni Lopez na nasa higit 57,000 na livelihood kits na ang naipamigay noong 2021 at target itong paabutin sa higit 100,000 ngayong taon.

Samantala, naglaan din ng P7 million ang Department of Agriculture (DA) na handa nang ipamigay sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Facebook Comments