Nanindigan ang Department of Trade and Industry (DTI) na ang pagbubukas ng ekonomiya ay hindi dahilan ng nararanasang surge ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nang buksan ang ekonomiya noong Hulyo 2020, bumaba ang COVID-19 cases mula 4,000 kada araw sa 2,000 kada araw nitong Pebrero 2021.
Kaya walang kaugnayan ang pagbubukas ng ekonomiya at ang pagtaas ng COVID-19 infection.
Sinabi ni Lopez na ang surge ay dulot ng vaccine optimisim at hindi pagsunod ng publiko sa health protocols.
Una nang sinabi ni Department of Health (DOH) na ang pagluluwag ng quarantine restrictions ang dahilan para muling tumaas ang COVID-19 cases nitong mga nagdaang araw.
Facebook Comments